Soloista

May mga pagkakataon talagang iba kapag may nakakaramay ka sa ‘hirap at ginhawa’ – mga kaibigang hindi ka iiwanan kapag gipitan na, at alam mong nandiyan lang sila palagi para sayo. Hindi ba’t ang saya kapag ganun ang samahan? Ohana nga, sabi sa pelikulang ‘Lilo and Stitch’, “Ohana means family. And family means no one gets left behind.”

Siyempre, sa kahit anong samahanag matatag, hindi nawawala ang mga magkakaibigang todo effort din naman sa pagtupad sa ginagampanan nilang role bilang ‘friend’. At kung minsan nga, iniisip kong overqualified ako, sa mga iilang pagkakataon na ipinapakita ko ang suporta ko sa iba.

Pero hindi naiiwasan na dumating ang panahon na mapapaisip ka rin talaga kung nagiging ‘worth it’ pa ang mga ginagawa mo for the sake of friendship. For instance, no matter how late na si person/friend kapag may gagawin kayo, at alam mong may iba ka pa ding gagawin, iisipin mo pa rin na hintayin siyang dumating, bago ka tumuloy. Kung yung maiwanan nga lang siya sa likod kapag nagmamadali kayong maglakad, at maraming tao sa daan, tumitigil ka pa rin para hintayin siya, hindi ba?

Siguro nga, kaya naman ganun na lang ang naging ideyalismo ng nanay ko pagdating sa ganitong bagay – ang maging ‘single bodied’ ka, nang hindi mo kakailanganin na umasa sa iba, sa mga bagay na ikaw lang mag-isa pero kayang kayang mo naman. Hindi man ito dahilan dahil sa gusto mong mapag-isa at wala kang tiwala sa mga tao sa paligid mo, ngunit isa na rin itong paraan upang maiwasan mong sumama ang loob mo sa ibang tao dahil hindi nila nagawa ang mga bagay na ikaw, nagagawa mo sa kanila.

Ikaw ba, soloista ka rin?

Posted from WordPress for BlackBerry.

Advertisement

Takot

Ako: Nakakatakot yung kulog, hon.
Siya: Hindi ako natatakot dun, hon. Mas may kinatatakutan ako..
Ako (nagtataka): Huh? Ano naman?
Siya: Mas natatakot ako, na mawala sa piling ko. <3

Cheesy na, kung cheesy. Oo, alam ko.Pero, sa tuwing naaalala ko ang facebook conversation namin na ‘to, hindi ko maiwasang mapangiti, na kahit hindi naging maganda ang pagtatapos ng sampung buwan na pagsasama namin, alam kong naging masaya naman din kami. Hindi man perpekto ang samahan namin, basta alam kong hindi ako nagkulang, kuntento na ako.

Ngayon, naging mas matatakutin ako. Mula sa paranoid na binatilyong takot na masaktang paulit-ulit, mas naging maingat ako, na huwag makatagpo ng taong makapananakit sakin muli.

Nakasasawa din naman ang masaktan ka ng madalas. Kung tutuusin, hindi naman ako masokista. At lalong hindi ko hangad na makapanakit din naman ng iba, lalo na sa taong lubos ko mahalin.

Napalilibutan ako ng takot. Makakaya ko ba ito?

Posted from WordPress for BlackBerry.