Hiram Part 2

 

Hindi rin nagtagal, ay nagsawa din ako sa panandaliang aliw na binibigay ng pakikipagtalik ko sa ibang lalaki. Hindi ko na rin madalas samahan ang mga kaibigan na kasama ko noon na magparty kapag Biyernes. Nang tumagal, nabalitaan ko na lang na finorced-leave ng boss namin ang isa sa mga kasama ko noon. Haka-haka noon ng mga kaopisina namin, ito daw ay dahil sa balitang HIV-positive si Jerry. Ngayon, hindi na rin mapakali ang ibang mga kasama naming sina Melvin at Warren na baka sila rin, ay mag positive na sa AIDS.

‘Bakit hindi ka na rin magpacheck, ano ba naman iyung magpaWestern Blot test ka? Parang sigurado kang negative ka sa AIDS, Alex?’ sabi ni Melvin sa akin habang nasa canteen kami.

‘Ano ba? Talagang ipinalalangdakan mo ba dito sa loob ng canteen, ha?  Imposible naman na magkaroon ako ng AIDS. Nagcocondom naman ako. At saka panay ang inom ko ng vitamins para hindi ako manghina.’ sagot ko sa kasamahan ko.

‘Pero Alex, hindi ka rin nakasisigurado. Miminsan ka lang nga ata nagta-top eh. Nagcocondom ka nga, pero paano ang kasama mo? ‘ sabat ni Warren.

Natahimik ako sa sinabi niya. Oo, madalas nga sa mga nakasiping ko, hindi nagcocondom. Gulung-gulo ako. Puro sabi-sabi lang ang nagiging impormasyon ko tungkol sa sakit na HIV. Hindi ko pa, kahit kalian naitanong sa doktor ko ang tungkol dito.

Dumaan ang dalawa pang linggo, at unti-unti akong namamayat, at madalas akong manghina. Iniisip ko, siguro’y dulot lang ito ng stress ko sa trabaho. Pero, nang palagi na akong nilalagnat, nagsimula na akong mabahala.  Pinuntahan ko ang pinsan kong doktor, si Dra. Jorge. Alam ko, na mas nakahihiya na sa mismong kamag-anak ko pa ako lalapit ng tulong, at ito pa ay tungkol sa AIDS. Sa kanya ko lubusan na nalaman ang tungkol sa sakit.

‘Alex, ang HIV infection ay idinudulot ng Human Immunodeficiency Virus.  Ang ginagawa ng virus na ito, ay paunti-unti nitong sinisira ang Immune System ng tao. Nakukuha ang sakit na ito, sa unsafe sex, kapag nakikigamit ka ng needles ng iba, lalo na kapag blood transfusion, o kaya nama’y naipapasa ng isang infected na ina, sa kanyang baby.’

‘Gianne, paano ko naman malalaman kung meron akong AIDS?’

‘Madalas, sa unang tatlong buwan ng exposure, nakikitaan na ng symptoms ang isang HIV patient. Pwedeng pagkaunti ng kinakain, pananakit madalas ng ulo, pagkapayat, madalas na nilalagnat, at rashes ang ilan sa mga pwedeng symptoms nito. Alex, nakapagba HIV Elisa/ Western Blot test ka na ba?

‘Hindi pa. Kailangan ko pa ba talaga ng test na ‘yon? Eh hindi naman ako nagkakasakit pa talaga!’

‘Alex, hindi ka rin makasisigurado. Hindi pare-parehas ang paglabas ng senyales ng sakit na ito. Pero, dahil matagal ka na rin nag stop sa unsafe sex, at saka lagpas na rin ito sa ‘window-period’ ng sakit mo. Dapat talaga magpacheck ka na rin.’

Shet. Talagang shet. ‘Ayokong malaman ng mga kamag-anak ko ang tungkol sa sasapitin ko. Paano kung talagang mag-HIV positive ako? Ano na lang ang ihaharap ko sa mga tao?’ Iyan lang naman ang iilan sa mga magugulo at nakawiwindang na tanong na marahil ay ang HIV test lang ang makasasagot. Sa totoo lang, napadasal ako dahil dito. Hindi pa rin ako makaimik nang lumabas ako ng clinic ni Dra. Jorge.

Noon lamang ako naiyak sa pagtulog ko.

Kinaumagahan, pumunta ako sa Health Center upang magpa HIV screening.  Unang ginawa sa akin ang HIV-Elisa test. Okay na sana nang sabihin ng health worker ang procedure. ‘Kapag ho nag-positive kayo sa Elisa test, icoconfirm po natin ito gamit ang Western Blot test. Sasabihan na lang po kayo kung sakali na kakailanganin niyo pa po magpa second screening.’

Nang matapos ang Elisa test, nangyari ang hindi ko inaasahan.

Nag-positive ako sa Elisa test, at pinauulit ako para sa pangalawa.

At katulad ng unang lumabas na test, hindi rin ako nito binigo. Nagpositive ako sa HIV.

Tumigil ang mundo ko nang mabasa ko ang result na ifinorward sa pinsan ko. Hindi  ako magkandamayaw  sa kaiiyak sa opisina ni Dra. Gianne.

Napakaraming pumasok na ideya sa isip ko. Naisip ko nang magpakamatay, na magpakalayu-layo. Habang tumatagal, mas nararamdaman ko na nanghihina na ako. Kinailangan ko nang mag-resign sa call center  dahil hindi ko na kaya ang late night shifting nila. Hindi ko pa rin magawang aminin sa mga magulang ko ang tungkol dito, lalo na sa tatay ko. Nawawalan na nga ako ng pag-asa.

Pero noon ko naisip, na hindi pa rin naman huli ang lahat.

Totoo, alam ko na wala pa ring lunas ang sakit kong ito. At hindi ko rin alam kung aabutan ko pa ban a makagawa ang mga dalubhasa natin ng gamot para sa AIDS. Ngunit, hindi ko na para hintayin ang lulunas sa akin. Hiram ang buhay kong ito, kung kaya’t habang narito pa rin ako at medyo malakas pa, ay ginagawa ko na ang mga bagay na dapat. Kahit na iniisip kong itatakwil ako ng mga kasama ko sa bahay, kapag nalaman nila na mag AIDS ako, halos maiyak ako sa kung paano nila ako patuloy na tinanggap, at sinuportahan sa kapansanang kinalalagyan ko. Patuloy akong nag eehersisyo, tulad ng pinayo sa akin ni doktora.

Sumali na rin ako sa isang community support group ng mga HIV patients. Malaking bagay daw ang maitutulong nito sa pagrevive sa iyong morale, at para maishare ang mga experiences mo at matuto sa isa’t-isa.

Maliban sa support group, naging active na rin ako sa mga foundation benefits para sa mga HIV patients, at para sa HIV Awareness. Mabuti nang maging instrumental sa iba para hindi na nila sapitin ang inaabot na hirap namin.

Sa ngayon, 6 na taon na akong survivor sa AIDS. Hindi ko man alam kung hanggang kalian ba talaga ako, pero nakasisigurado ako na, hindi ako nagkukulang sa pagpapangaral sa iba, na pahalagahan ang sarili, at pagbutihin ang paglalakbay sa mundong ito, gamit ang buhay na hiram lamang natin.

 

Hiram Part 1

Hindi madali na mabuhay sa mundo.

Sa buhay na hiram lamang.

Sa buhay na walang katiyakan.

Kung kaya’t laking pagsisisi ko nang taningan ko ang tanging bagay na pinaghahawakan ko na maigi, dahil sa isang malaking pagkakasala.  Isang pagkakamali na hindi ko naman sinasadya. Pero, lahat naman sinasabing ganon talaga ang tao. Puro hindi sinasadya ang mga bagay-bagay.  At para sa isang hamak na silahis at tago na tulad ko, sa ganitong paraan  ko na lamang maihahayag ang isang tunay na kwento. Ang  aking kwento.

Maputi, matipuno, at lapitin ng kababaihan. Hindi biro. Kung kaya naman madalas akong umayaw sa mga naglilipana na babae sa Malate kapag madaling araw na at pauwi ako. Nightshift ang trabaho ko sa isang call center sa Makati, at madalas sa hindi mahilig din kami lumabas ng mga ka-opisina ko. Hindi ba’t masarap din naman ang tumambay lang paminsan-minsan sa Bed Rock kapag natapos ang trabaho? Pero, madalas sa hindi, ibang aliw ang hanap ko. Ibang init at aliw ang hinahanap naming magkakaibigan. Ganon talaga siguro, lalo na kapag mapupusok na dahil sa lasing.

Hindi ko naman talaga hilig noon ang magkaroon ng night life. Madalas, noong una pa lang akong pasok sa kompanyang pinagtatrabauhan ko, deresto uwi na rin ako pagkatapos ng shift ko. Kaya lang, ‘di rin lumaon at napasama ako sa mga katrabaho ko at hindi rin nagtagal, ay napasama ako sa mga escapades nila sa labas ng office. Alam nila ang hilig ko, kahit na hindi ko ito lantarang ipakita. At alam din nila na kahit na pigilan ko ang sarili ko, bibigay at bibigay din ako kapag mapangibabawan ako ng tukso.

Minsan na dinala ako ng mga kabarkada ko sa isang restobar sa may Adriatico, iniwan ako ng mga kaibigan ko (kakosa kung tawagin nila ang isa’t-isa ng pabulong) at nagparty sa dance floor. Lingid sa kaalaman ko nung mga panahon na ‘yon, ay mayroon pa lang ‘kinumbida’ ang mga kasama ko na magbantay sa akin habang nagsasayaw sila.

Hi, wanna drink? Its on me.’ sabi ng matangkad na lalaking lumapit sa akin. Siya’y maputi, naka-blue na polo sleeves, at naka-slacks na itim. Matamis ang ngiti  at malagkit ang tingin. Noon lang ako unang nakatanggap ng ganoong pakiramdam. At hindi naman ako tumanggi na samahan siya para mag-shot. Malakas ang dagundong ng kanta, ang patay-sindi ang ilaw. Habang tumatagal ay hindi ko na maimulat nang matagal ang mga mata ako. Init na lamang ng katawan ni Nikko ang siyang dumadampi sa katawan ko.

Hindi ko na mamalayan ang mga sumunod pang nangyari. Basta’t alam kong tumuloy kami sa condo niya, hindi kalayuan sa bar na pinuntahan namin. Siya lamang mag-isa ang nakatira sa sa unit na ‘yon. Inalalayan niya ako papunta sa kwarto, unti-unting tinanggal ang damit ko. Sumunod na lamang na naalala ko, ay ang init ng katawan naming dalawa, at ang pag-ungol niya habang kami ay nasa higaan.

At katulad nga naman ng ibang mga hook-ups na naranasan din ng mga kaibigan ko, paggising ko’y baon na ang lahat sa limot. Ni hindi man lamang niya ako binati ng ako’y umalis sa bachelor’s pad´ niya. As usual, panandaliang aliw lamang ito. Parang kandila, na magbibigay- init sa gabi. At kapag umaraw na, ay mauupos din.

Nang matapos ang gabing ‘yon, hindi na maalis sa isip ko ang nangyaring samin ni Daryl. Kung paanong, may boses at tindig ng isang lalaki ang makapagpapatigas sa akin at sa alaga ko. Lagi ko nang hinahanap ang init ng laman. At hindi lang miminsan na umulit ako – pero sa iba’t ibang lalaki.