Ako: Nakakatakot yung kulog, hon.
Siya: Hindi ako natatakot dun, hon. Mas may kinatatakutan ako..
Ako (nagtataka): Huh? Ano naman?
Siya: Mas natatakot ako, na mawala sa piling ko. <3
Cheesy na, kung cheesy. Oo, alam ko.Pero, sa tuwing naaalala ko ang facebook conversation namin na ‘to, hindi ko maiwasang mapangiti, na kahit hindi naging maganda ang pagtatapos ng sampung buwan na pagsasama namin, alam kong naging masaya naman din kami. Hindi man perpekto ang samahan namin, basta alam kong hindi ako nagkulang, kuntento na ako.
Ngayon, naging mas matatakutin ako. Mula sa paranoid na binatilyong takot na masaktang paulit-ulit, mas naging maingat ako, na huwag makatagpo ng taong makapananakit sakin muli.
Nakasasawa din naman ang masaktan ka ng madalas. Kung tutuusin, hindi naman ako masokista. At lalong hindi ko hangad na makapanakit din naman ng iba, lalo na sa taong lubos ko mahalin.
Napalilibutan ako ng takot. Makakaya ko ba ito?
Posted from WordPress for BlackBerry.
Fear surrounds us. Why can’t Fear fear us? I mean for a change. lol.
that would definitely be something to look forward to? lol A point when Fear finally feared us. XD